Saturday, October 17, 2009

ploning

panoorin mong lumalim ang dagat
magbilang ka ng mga patlang na pupuno sa paghihintay

balutin mo ng panyo ang hangin ng tanghali,
hanggang sumuko ang araw sa ulan

walang paghuhunos sa oras na lumipas,
at sa mga oras na darating o lilikhain

ngunit isipin mo ring kapag sinukob ka
ng mga alon ng sarili mong kalungkutan,
maalala niya kayang hanapin ang iyong mga labi?

5 comments:

Niel said...

Aanhin pa ang labi kung wala na ang katawan?

VICTOR said...

Nice pun. I never thought Judy Ann would affect me so much.

wanderingcommuter said...

but for me it was the character of merryl soriano that moved me most.

"siguro kung naging matalino ako, hindi ako magiging ganito kasaya."

Yj said...

mapanood na nga yan... punyeta hindiako makarelate hahahahaha

VICTOR said...

@ewik: panalo nga yun. ignorance s bliss.

@jeff: baka umibig ka kay juday kapag napanood mo. :D

I'm also on Wordpress!