Monday, January 26, 2009

kung paano lunasan ang "antok"

gusto kitang gisingin sa huwad mong panaginip
nang makapaglakbay rin ang iyong mga labi
nang walang pagpapanggap

malayo ang nararating ng iyong bulag na mga kamay,
lasing sa kunwari mong paghimbing

hindi ka maliligaw, hindi kita ililigaw
wala akong ipipinid na pinto,
walang silid na hindi mo maaaring pasukin,
walang bintanang hindi mo maaaring dungawan

maari kang ngumiti kapag natagpuan na ng labi mo ang akin,
(nasa tabi mo lang naman ako)

walang bawal sa pag-ibig na gising

4 comments:

Byron Ferolin said...

Magaling. Gusto ko na ulit magsulat ng tula sa blog. Hay...

Niel said...

KILIG!

I like these...
huwad mong panaginip
bulag na mga kamay,
walang bawal sa pag-ibig na gising

VICTOR said...

@Byron: go! aantayin ko.

@Niel: ang cheesy nga. pero ang pinakagusto ko pa ring linya eh yung (nasa tabi mo lang naman ako). hehe.

Hana said...

Hi friend.. nice cool post.. do visit my blog and post your comments.. take care mate.. Cheers!!!

I'm also on Wordpress!