Tuesday, May 31, 2011

The Quasi-Plagiarist: Para Sa Inyong Lahat

Tayo ang itinadhanang managinip ng mga bagay na pupuno sa hinaharap. Tumitipa tayo ng mga salitang hiram sa agham at sa pangako nitong pag-asa.

Mga larawang likha ng usok at salamin, ang pagdurusa ng kaluluwa. Ang walang hanggang paglutas sa kahulugan ng katarungan. Mga makabagong libangan, mga nalimutang kasintahan.

Nabubuhay tayo sa mundong alipin ng ating kapangyarihan.

Mga salitang makapagpapaibig. Mga salitang makapagpapaalala ng natapos na pag-iibigan. Mga salitang susukat sa lalim ng punyal. Mga salitang hinabi para sa kaibigang magpapaalam. Mga salitang titiis sa kahirapan, mga salitang magpapamalas ng lakas ng salapi. Mga salitang makapagtatakas sa bangungot, mga salitang makapagtutuklas muli ng mga pangarap na inumit ng umaga.

Mas maalab ang ating lakas kaysa sa kapangyarihang tumutupok at gumugupo. Hindi mag-aapoy ang papel na pinuno ng ating mga salita.

Bumubuo tayo ng sariling katauhan mula sa mga bagay na gagawin at lilikhain.


*Isinalin mula sa orihinal na Ingles ni MSF

0 comments: