Friday, September 10, 2010

The Quasi-Plagiarist: Sa Araw ng Kalayaan

Mahal kita,

dahil sa musmos at masigasig mong dalisay, ang gandang kasal sa iyong kasaysayang maharlika, ang maluluwang na kalye ng iyong mga balikat, ang gabi ng iyong mga mata, ang kulay ng hinog na palay sa iyong mga bisig, ang tahimik mong paghinahon sa mga delubyo.

Sinong hindi kayang angkinin ng iyong mga labi, ng iyong ngiti?

Bihag ng iyong kaligayahan ang awit ng mga kampana ng simbahan. Gusto kong ialay lahat para marinig at makita kang maligaya. Lagi, lakip sa alaala ang mga sandaling pinakamalapit tayo sa isa't isa. Gusto kong tawirin lagi ang layo ng iyong mga kamay, ang layo ng ating mga dibdib.

Padala ko sa hangin ang kamusta at mahal kita. Hanggang sa muli nating pagtatagpo.


Tapat at mapagmahal,

Drew


*Isinalin mula sa orihinal na Ingles.

3 comments:

Yj said...

walang kupas!

ʎonqʎʇıɔ said...

huwow. this was before i started reading him. how interesting.

drew said...

Damn you, you made it so beautiful I didn't know that it was mine first until I got to the last line.