Saturday, October 17, 2009

ploning

panoorin mong lumalim ang dagat
magbilang ka ng mga patlang na pupuno sa paghihintay

balutin mo ng panyo ang hangin ng tanghali,
hanggang sumuko ang araw sa ulan

walang paghuhunos sa oras na lumipas,
at sa mga oras na darating o lilikhain

ngunit isipin mo ring kapag sinukob ka
ng mga alon ng sarili mong kalungkutan,
maalala niya kayang hanapin ang iyong mga labi?

I'm also on Wordpress!