Tuesday, April 14, 2009

Katipunan

Walang pinagbago ang tagpuan, mas maalinsangan lang at mas walang alinlangan ang pagtatalik ng pawis at alikabok ng tag-init.

Mag-aabot ka pa rin ng pasahe, bagaman para sa isa lang--dati ay para sa dalawa. Pareho kayong magkukunwang walang alam, di magkakilala. Mas madaling magpalasing sa init ng tanghaling tapat, kaysa umaming nasa katinuan.

Nakaupo siya sa tapat mo, nakadungaw sa bintana ng jeep, kunwari ring hindi ka kilala, o nakilala. Iyon pa ring dati ang pabango niya, may guhit ng kababalat lang na kahel.

Bababa siyang Katipunan, ihahatid ng mga mata mong puyat sa paghihintay ng sulyap at ngiting magsasabing maari mo na uli siyang mailibre ng pasahe sa susunod.

I'm also on Wordpress!